|

TUNGKOL SA KATUTUBONG WIKA
(OM MODERSMÅL)

Gabay,Pagtuturo at
Patnubay sa Pag-aaral
_ Malaki ang kahalagahan ng KATUTUBONG WIKA sa pagkatao
(identity) at pagtitiwala sa sarili ng bata
_ Ang
KATUTUBONG WIKA ay batayan sa pagkatuto ng bata
_ Madaling matuto ang bata sa kanyang pangalawang wika at iba pang
kaalaman
_ Kayamanan ng pamayanan ang mga mamamayang may maraming wika
May malawak na pananaliksik
na nakaipon sa ”NORDBAS” na nagpapatunay ang kahalagahan ng pagtuturo sa
pag-aasikaso ng bata (preschool) at sa paaralan.
ANO ANG GABAY SA KATUTUBONG WIKA
(Vad är modersmålsstöd?)
Ayon sa plano ng
pagtuturo sa Kindergarten, ang batang may ibang wika maliban sa Sweko ay may
pagkakataong mapaunlad ang sariling wika. Ang guro sa KATUTUBONG WIKA ay
nagpupunta nang isa o dalawang araw sa loob ng isang linggo ayon sa
pangangailan ng bata. Ang guro ay galing sa parehong lugar na pinanggalingan
ng bata. Sila`y naglalaro, kumakanta, gumuguhit, naggugupit, nagdidikit at
nagbabasa ng mga kuwento sa KATUTUBONG WIKA ng bata. Ang guro ay maaring
mamuno sa laro at kanta sa buong grupo at palaganapin ang kultura, kasabay
nito pinalalakas niya ang pagkatao (identity) ng mga batang kanyang
tinuturuan. Kung ang bata ay nagsasanay na ng kanyang KATUTUBONG WIKA sa
Kindergarten pa lamang, ipinapakita sa pagsisiyasat na lalo nilang
makakayanan ang mga gawaing sa paaralan. Ito ay magiging tulay sa pagitan ng
wika sa kindergarten at wika sa tahanan.
ANO ANG PAGTUTURO SA KATUTUBONG WIKA
(Vad är modersmålsundervisning?)
Ang KATUTUBONG WIKA ay
isang asignatura sa mababa at mataas na paaralan. Ang layunin ay mabigyan
ang mga bata ng magandang paraan sa pag-aaral para mapaunlad ang kanyang
dalawang wika, pagkatao at kakayahan.Ang mga gawain ay kailangang mai-angkop
sa kanyang kakayahan para mapaunlad at mapatibay pagtitiwala sa sarili. Ang
pagtuturo ng KATUTUBONG WIKA ay may ilang alitutunin na maaaring basahin sa
pamagat na ”Styrdokument” Ang gurong magtuturo ay kalimitang nanggaling sa
bansang pinanggalingan ng bata. Kailangan may sapat siyang
kaalaman sa wika at sa lipunan ng Sweko.
ANO ANG PATNUBAY SA PAG-AARAL SA KATUTUBONG WIKA
(Vad är Studiehandledning på Modersmål?)
Ang mga batang kararating
sa Sweden na hindi nakakasunod sa pagtuturo ay binibigyan ng pagkakataong
maipaliwanag upang maintihan at matutunan ang asignatura sa pamamagitan ng
kanyang KATUTUBONG WIKA.. Ang mga magulang at paaralan ay mag-uusap tungkol
sa pangangailangan ng patnubay sa pag-aaral ng mag-aaral. Ang punongguro ang
siyang magpapasiya kung ang mag-aaral ay may karapatang alukin o bigyan ng
patnubay sa pag-aaral.
SINO ANG MAY KARAPATAN SA GABAY,PAGTUTURO AT
PATNUBAY SA KANYANG KATUTUBONG WIKA
(Vem kan få stöd, undervisning och studiehandledning på sitt modersmål?)
Lahat ng mag-aaral na may ibang wika maliban sa
Sweko ay may karapatang mag-aral sa kanyang wika. Ang mga minoridad na wika
ay mabibigyan ng pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA kahit ito`y hindi ginagamit na
pang-araw-araw na salita sa tahanan. Kahit ang mga batang ampon na hindi
nakakapagsalita sa sariling wika ay mayroong ding karapatan matuto sa
kanyang KATUTUBONG WIKA..
SINU-SINO ANG MGA PANDAIGDIGANG MINORIDAD NA
WIKA?
(Vilka är de nationella minoritetsspråken?)
Ang pandaigdigang minoridad na wikang
”samiska”, ”meän kieli” at ”romani chib” ay may karagdagang karapatan. Ang
katayuan ng kanilang wika dito sa Sweden ay ibinabagay sa alituntunin ng
Europa taong 2001.Basahin pa tungkol sa minoridad na wika (minoritetsspråk)
sa paaralan at pananaliksik (forskning) sa Pamantasan ng Uppsala.
PAANO MAGPAPATALA PARA SA KANYANG ANAK?
(Hur ansöker man om plats för sitt barn?)
Ang mga magulang ay maaaring magtungo at
magtanong sa paaralan at munisipyo tungkol sa pagtuturo ng KATUTUBONG WIKA.
Ang mga magulang ang siyang magpapasiya at hindi ang mga tauhan sa paaralan
at ”pre-school” kung ang kanyang anak ay mag-aaral ng KATUTUBONG WIKA. Ang
tungkulin ng paaralan at ”pre-school” ay magbigay ng impormasyon kung kailan
at kung paano isasagawa ito. Ang gabay at pagtuturo sa
KATUTUBONG WIKA ay walang bayad at ito`y hindi sapilitan.
SINU-SINO ANG MAY
PANANAGUTAN PARA SA GABAY,PAGTUTURO AT PATNUBAY SA PAG-AARAL?
(Vem ansvara för stöd, undervisning och studiehandledning?)
Ang munisipyo ang may
pangunahing pananagutan sa ”pre-school” at paaralan. Malaya siyang
makapagpapasiya kung paano niya itatatag ang gawain para maabot ang layuning
itinakda ng pamahalaan. Tungkulin niyang bumuo ng isang leksiyon para sa
KATUTUBONG WIKA kung may sapat na mag-aaral (mga lima (5) sa isang grupo)
at may angkop na guro. Ang mga mag-aaral sa iba`t-ibang paaralan ay
mag-ipon-ipon upang makabuo ng sapat na bilang para makabuo ng isang pangkat
PAGTATATAG SA KINDERGARTEN
(Organisation I förskolan).
Pananagutan ng munisipyo na bigyan ang
”pre-school” ng pagkakataong makasunod sa layunin ng kurrikulum. Ang
pansariling pagsulong at pagkatuto ng bata ay itataguyod sa pamamagitan ng
pikikipagtulungan sa tahanan. Ang guro sa KATUTUBONG WIKA ay nagpupunta
isang beses isang linggo ng dalawa(2) hanggang anim(6) na oras sa
”pre-school” o sa kindergarten. Sa katunayan ngayon ay isa (1) sa sampung
(10) bata lamang ang nagkakaroon ng gabay sa KATUTUBONG WIKA Malaki ang
kaibhan ng bilang ng mga bata sa iba`t-ibang munisipyo.
PAGTATATAG SA MABABANG PAARALAN
(Organisation i grundskolan)
Ayon sa batas ng paaralan
ay tungkuling ng mga munisipyo ang mag-alok ng pagtuturo sa KATUTUBONG
WIKA.Ang pagtuturo ay binubuo sa iba`t-ibang paraan sa mababang paaralan.
Bawa`t mag-aaral ay magkakaroon ng dalawa(2) o tatlong (3) oras na leksiyon
sa loob ng isang linggo.
1.
Pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA
bilang pagpili ng wika (språk val) (baitang 6 - 9)
Ang mag-aaral ay maaaring mag-aral ng kanyang
sariling wika sa halip na kumuha ng wikang banyaga. Ang pagtuturo ay bahagi
sa talatakdaan ng paaralan. Ang bilang ng oras ay nahahati mula sa ika-anim
na baitang hanggang ika-siyam na baitang. Ang punongguro lamang ang
makapagpapasiya kung anu-anong wikang pagpipilian na mayroon sa paaralan at
ayon sa bilang ng mga mag-aaral na nais kumuha nito.
2.
Pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA
bilang pagpili ng mag-aaral (elevens val) (baitang 1 - 9)
Sa buong panahon ng pag-aaral sa mababang
paaralan, ang paaralan ay mag-aalok ng ilang pagtuturo sa labas ng
pansariling pagpili ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagpili ng mag-aaral ay
mapapabuti ang kaalaman sa isa o mahigit pang asignatura na naroron na sa
paaralan. Maaaring piliin ang KATUTUBONG WIKA bilang pagpili ng mag-aaral
.(elevens val). Ang magpapasiya ay ang punongguro at ang bilang ng mga
mag-aaral na nagpatala kung ang KATUTUBONG WIKA ay iaalok bilang pagpili ng
mag-aaral(elevens val)
3. Pagtuturo
sa KATUTUBONG WIKA bilang pagpili ng paaralan
(skolans val) ( baitang 1 - 9)
Mayroon ding ilang oras na maaaring gamitin para sa pagtuturo ng KATUTUBONG
WIKA bilang pagpili ng paaralan. Ang mga oras na ito ay maaaring gamitin sa
pagtuturo sa isa o mahigit pang asignatura na nagbibigay ng pansariling
modelo ng paaralan. May posibilidad na mag-aayos ng pagtuturo sa KATUTUBONG
WIKA bilang pagpili ng paaralan.
4 Pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA sa labas ng
talatakdaan
Ang pag-aaral ng KATUTUBONG WIKA ay maaaring isagawa sa labas ng talatakdaan.
Nangangahulugan ang mag-aaral ay magkakaroon ng dagdag na leksiyon
linggu-linggo. Ang bawat munisipyo ay magpapasiya kung ilang leksiyon ang
bubuuin. Karaniwan ay 2 oras sa bawat pangkat sa loob ng isang linggo.
PAGTATATAG SA DI-KARANIWANG PAARALAN
(Organisation i särskolan)
Ang mga batang nag-aaral sa di-karaniwang
paaralan ay maaari ring magkaroon ng leksiyon sa KATUTUBONG WIKA at patnubay
sa pag-aaral.Ito ay bilang pagpili ng mag-aaral(elevens val) o sa labas ng
talatakdaan (utanför timplan). Mayroong di-karaniwang kurrikulum sa
pagtuturo ng KATUTUBONG WIKA. Ang pagtuturo ay kalimitang isang bata bawat
leksiyon.
PAGTATATAG SA MATAAS NA PAARALAN
(Organisation i gymnasieskolan)
Maaaring magpatuloy ang mga kabataang mag-aral
ng KATUTUBONG WIKA sa mataas na paaralan. Ang KATUTUBONG WIKA ay
pinag-aaralan sa ilalim ng ”kursplan” tulad ng pansariling pagpili
(Individuellt val), pagpili ng wika (språk val) o kaya ay pandagdag na kurso
(utökad studiekurs) sa labas ng talatakdaan. Ang kurso ay
binubuo ng 250 puntos. Ang mga munisipyo ay
mag-aalok ng iba`t ibang pagkakataon sa pagtuturo ng KATUTUBONG WIKA ayon sa
bilang ng mga mag-aaral at pagkukunan ng tulong.
PAGTUTULUNGAN NG TAHANAN AT
PAARALAN
(Samarbete mellan hem och skola)
Sa ikatatagumpay ng
pagtuturo sa KATUTUBONG WIKA ay kinakailangan ang magandang relasyon ng
paaralan at tahanan at ng kanilang positibong loobin. Ang pagtutulungan at
magandang samahan sa paaralan/ ”pre-school”at sa tahanan ay napakahalaga.
Tungkulin din ng paaralan/”pre-school” na tumawag ng pag-uusap tungkol sa
pag-unlad ng mag-aaral (utvecklingssamtal) isang beses sa bawat hatintaon.
Sa pag-uusap ay binubuo ng tauhan sa paaralan, ang mag-aaral at magulang.
Ang mag-aaral na may KATUTUBONG WIKA ay kalimitang ang kanyang guro ay
kasama rin sa pag-uusap. Hindi nangangahulugan na ang kanyang guro sa
KATUTUBONG WIKA ay tagasalin sa usapan.Ang mga magulang ay may karapatang
humingi ng nakasulat na impormasyon bilang komplemento sa kanilang
pag-uusap.Sa mababang paaralan ay nagbibigay ng grado mula sa ikawalong
baitang.

|